Hindi pa nasisimulan ni Zoren Legaspi ang pelikulang ididirek niya dahil sobrang busy raw ang napili niyang bida na si Michelle Madrigal. May script na raw pero ang schedules daw ni Michelle at ng leading man nitong si JC de Vera ang problema. Wala raw mabigay na available day si Michelle dahil sa drama series nito sa GMA-7.
“Pero in fairness to Michelle, nakikipag-communicate siya sa amin. Nagsu-sorry siya dahil sa delay. Hindi ko naman siya sinisisi dahil may trabaho nga siya. Pero nakapag-ensayo na siya ng sayaw na gagawin niya sa pelikula. Ang kulang na lang ay ang rumolyo ang kamera.
“Willing naman akong maghintay, eh. Hindi rin naman ako nagmamadali kasi may drama series din akong ginagawa ngayon for TV5 na Glamorosa. Ang magiging problema naman ay kapag si Michelle or si JC na ang ready, ako naman ang baka hindi puwede. Kaya kailangan magkausap kaming lahat,” sey ni Zoren.
Sexy nga ang tema ng pelikulang ididirek ni Zoren at gusto niya ay kakaiba ang gagawing mga eksena nina Michelle at JC. Tulad na lang ni JC, gusto ni Zoren na magkaroon ito ng exposure sa behind.
“Noong una naman kaming nag-usap about the project, wala pa sa story ‘yung exposure sa behind. Eh noong mag-revise kami, nagkaroon na. Eh very essential ‘yung scene na ‘yon sa story.
“Gusto kong malaman kung kaya ba niya? Kasi gagawin naman naming artistic ang shot. Kaya I want to dare him sa eksenang iyon.
“Ang kinakatakot ko lang ay baka magalit naman si Tita Annabelle (Rama) sa akin! Baka isipin niya pinag-iinitan ko ang behind ni JC! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa pa ni Zoren.
Pero maging si Michelle din daw ay may mga daring na eksena.
“Siyempre, may mga breast exposure din kaming naiisip. Hanggang doon lang at walang mga frontal nudity. Kailangan ko ring kausapin si Michelle kung hanggang saan ba ang kaya niyang mapakita ng kaseksihan niya?
“Sa hitsura kasi ni Michelle, malakas ang dating niya, eh. Animalistic ang aura niya. Kaya kung kakayanin niya ang mga sexy scenes tulad ng breast exposure, that would be different. Ang goal naman namin sa project na ito is to make a difference. ‘Yung magkakaroon ng malaking impact sa mga manonood,” pagtatapos pa ni Zoren.
Abante
ni Ruel Mendoza
Finally, a sexy movie for Michelle. I am definitely gonna be waiting for this movie to come out.
Done...